Sarangani, Davao Occidental at Cagwait, Surigao Del Sur, niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2017 - 06:55 AM

Niyanig ng magkasunod na magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental at ang Cagwait sa Surigao Del Sur.

Unang tumama ang magnitude.1 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental alas 9:42 ng gabi ng Lunes.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 21 kilometers.

Samantala, alas 12:25 naman ng madaling araw ng Martes, tumama din ang magnitude 3.1 na lindol sa bayan ng Cagwait sa Surigao Del Sur.

May lalim lang na 8 kilometers ang lindol at tectonic din ang origin.

Wala namang naitalang intensities sa dalawang lindol.

Ayon sa Phivolcs, hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang dalawang lindol.

 

 

 

 

 

 

TAGS: cagwait surigao del sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sarangani davao occidental, cagwait surigao del sur, earthquake, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sarangani davao occidental

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.