‘Tokhang,’ makabubuting huwag nang gamitin ayon sa PDEA

By Kabie Aenlle December 12, 2017 - 03:32 AM

Iminungkahi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na huwag nang gumamit ng anumang slogan sa pagpapatuloy ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Ayon kay PDEA Director Gen. Aaron Aquino, nagkaroon kasi ng negatibong kahulugan para sa publiko ang mga katagang “tokhang” at “double barrel” na ginamit sa mga oplan ng Philippine National Police (PNP).

Ani Aquino, bagaman ang kahulugan ng “tokhang” ay pagkatok at pakikiusap sa mga drug suspects na sumuko, pag-patay o patayan agad ang pumapasok sa isip ng publiko kapag ito ang naririnig.

Ito aniya ang dahilan kung bakit dapat nang itigil ang paggamit sa katagang ito.

Suhestyon ni Aquino, huwag nang gumamit ng slogans at gawin na lamang “plain buy-bust operations.”

Gayunman, nilinaw ni Aquino na iminumungkahi lang naman niya ito at nasa kamay pa rin ng PNP kung patuloy silang gagamit ng slogan.

Nalagay aniya kasi sa alanganin ang pangalan ng PNP dahil sa tokhang, na kalaunan ay ginawa namang “Oplan Double Barrel.”

Dagdag pa ng hepe ng PDEA, ang pag-aalis ng slogan ng PNP ay magbibigay ng bagong simula para sa Department of Interior and Local Government (DILG) at sa susunod na hepe ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.