Aktwal na “armed uprising,” kailangan bago aprubahan ang martial law extension

By Kabie Aenlle December 12, 2017 - 03:30 AM

Nanindigan si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kaniyang posisyon na dapat lamang pahintulutan ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao kung mayroon na talagang “actual armed uprising.”

Ayon kay Drilon, alinsunod sa Saligang Batas at ayon sa Korte Suprema, kailangan munang mayroong aktwal na armed uprising na nagpapakita ng rebelyon o pananakop bago ito maaring payagan ng Kongreso.

Sa kabila ng kaniyang paninindigan, sinabi ni Drilon na mas makabubuti pa rin na marinig niya muna ang payo ng mga martial law administrators bukas.

Samantala, nilinaw naman ng senador na hindi isang factor sa desisyon ng pagpapalawig ng martial law ang mga sentimyento ng mga residente sa Mindanao.

Kung isasama kasi ito sa konsiderasyon, kakailanganin ang palagiang pagsasagawa ng survey kung gusto ba nila o hindi ang pagpapatupad ng martial law extension.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.