4 sugatan, suspek arestado sa pagsabog sa Manhattan

By Kabie Aenlle December 12, 2017 - 12:00 AM

Arestado ang isang lalaki matapos ang pagpapasabog nito ng pipe bomb sa pinakamataong bus terminal sa Manhattan, New York.

Naganap ang pagsabog sa Port Authority Bus Terminal sa 42nd Street at 8th Avenue, malapit sa Times Square, na punung puno ng mga tao, Lunes ng umaga.

Kinumpirma ng New York fire department na apat ang nasugatan sa pagsabog, pero nasa maayos naman silang kalagayan dahil mapalad na pawang minor injuries lang naman ang kanilang natamo.

Bukod pa sa apat na biktima ay sugatan din ang 27-anyos na suspek na nakilalang si Akayed Ullah, dahil sa pagsabog ng dalay niyang pipe bomb na nakasiksik sa kaniyang jacket.

Balak umano sana itong pasabugin ng suspek sa loob ng tren kung saan daan-daang katao ang target niyang masaktan.

Ayon kay New York City Fire Department Commissioner Daniel Nigro, sa ngayon ay nasa Bellevue Hospital si Ullah upang gamutin ang mga sugat at pagka-paso na kaniyang natamo sa mga kamay at dibdib.

Nagpatupad ng lockdown ang mga pulis sa nasabing lugar, at naantala din ang biyahe ng mga shuttle dahil sa insidente.

Samantala, kinumpirma ni Mayor Bill de Blasio na mag-isang umatake ang suspek at na isa itong terror-related incident.

Iginiit naman ni De Blasio na hindi magpapasindak ang mga taga-New York at na hindi mananaig ang terorismo sa kanilang lugar.

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.