PNP, pinalalakas ang intelligence operations para labanan ang NPA
Pinalalakas ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang intelligence operations para masugpo ang mga gawain ng New People’s Army (NPA) sa mga lalawigan.
Sa isang pahayag, sinabi ng PNP na ang naturang hakbang ay kasunod ng pinirmahang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalagay sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa kategorya bilang isang teroristang grupo.
Ayon sa pahayag na inilabas ni PNP Spokesperson, Chief Superintendent Dionardo Carlos, handa ang PNP na sugpuin ang mga banta ng NPA laban sa mga komunidad, industriya, pribadong negasyo, maging sa pamahalaan.
Ani Carlos, nananatili ang kanilang tactical capabilities sa buong Pilipinas, maging sa mga probinsya at kaya nilang rumespunde sakaling magkaroon ng pananakot ang NPA katulad na lamang nang naganap sa Camarines Norte at Misamis Oriental.
Nagbabala naman si Carlos sa mga nagbibigay ng tulong pinansyal at materyal sa CPP-NPA na posible silang maituring bilang conspirators, accomplices, o accessories to terrorism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.