800 pulis, naturukan ng Dengvaxia sa Quezon City

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 06:28 PM

 

Nangangamba ngayon ang nasa mahigit 800 mga pulis matapos silang turukan ng kontrobersyal na dengue vaccine na Dengvaxia.

Bukod sa mga pulis ay mayroong pang 500 silang mga kaanak na tinurukan rin ng Dengvaxia.

Dahil dito ay nagkaroon gn dayalogo sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at opisyal ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) kung saan nangyari ang anti-dengue program.

Mismong ang nangasiwa sa naturang programa na si Dr. Julius Lecciones ang humarap sa mga pulis.

Namigay ng orange cards ang PCMC sa kanilang mga nabakunahan para makakuha ang mga ito ng libreng medical assistance sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.

Ayon kay Lecciones na kasama sa ipinatawag ng Senado sa kanilang imbestigasyon tungkol sa isyu, hindi minadali ang procurement ng Dengvaxia. Aniya, dumaan ito sa bidding kagaya ng iba pang mga supplies na kailangan sa kanilang ospital.

Samantala, may suspetsa si Department of Health Secretary (DOH) Francisco Duque III na nagtatago ng impormasyon ang Sanofi Pasteur tungkol sa Dengvaxia.

Para naman kay Senador JV Ejercito, mas maiging isagawa na lamang ang hearing sa Enero, kung kailan nasa bansa na ang mga kinatawan ng Sanofi at World Health Organization (WHO).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.