Mga Koreano, nanguna sa pinakamaraming turista na bumisita sa Pilipinas

By Mariel Cruz December 10, 2017 - 09:32 AM

INQUIRER FILE PHOTO

Nananatiling mga Koreano ang pinakamaraming bumisita sa Pilipinas ngayong taon.

Batay sa datos ng Bureau of Immigration, umabot sa mahigit 1.4 million na South Koreans ang pumasok sa bansa simula noong January hanggang November ngayong taon.

Mas mataas ito ng 1.3 percent kumpara sa bilang ng bumisitang Koreano sa bansa noong 2016.

Pangalawa sa pinakamaraming bumisita sa bansa ay mga American nationals na umabot sa 869,732, pero mas mababa ito kumpara sa naitalang bilang ng tourist arrival noong nakaraang taon na pumalo sa 909,331.

Nasa ikatlong puwesto ang mga Chinese nationals na pumalo naman sa 796,487 arrivals simula noong January hanggang November ngayong taon.

Samantala, umabot naman sa mahigit limangdaan libo ang mga Japanese visitors ng bansa ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.