Lalaki, patay matapos tangkaing pagnakawan ang isang pulis sa Pasig City

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 04:21 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos itong mabaril ng pulis na dapat sana ay pagnanakawan nito ng motor sa Javier Legaspi Bridge, Barangay Maybunga sa Pasig City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki.

Ayon kay Sixto Balceta na isang baragnay tanod, hinoldap ng lalaki na may dalawa pang kasamahan si PO1 Lester Galong.

Nang malaman na pulis pala ang dapat sana ay bibiktimahin ay agad na tumakas ang dalawa, ngunit sinubukan pa ng suspek na labanan ang pulis gamit ang kanyang dalang balisong.

Nagkahabulan pa ang suspek at ang pulis hanggang sa Javier Legaspi Bridge kung saan na-corner ang suspek.

Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng suspek, habang nagtamo naman ng sugat si Galong dahil sa pagsuntok umano sa kanya ng holdupper.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.