Lalaki, nabangga habang tumatawid sa Quezon Avenue
Maswerte at pawang mga galos lamang sa katawan ang natamo ng isang lalaki matapos itong mabangga ng SUV habang tumatawid sa kahabaan ng Quezon Avenue.
Kinilala ang biktimang si David Benales, dalawamput walong taong gulang at residente ng Barangay Bagong Silangan sa lungsod Quezon.
Aminado si Benales na naka-inom ito.
Aniya, galing siya sa isang inuman at pauwi na sana nang mangyari ang aksidente.
Mapapansing mayroong yupi ang puting Montero Sport na nakasagasa sa biktima. Bukod pa ito sa basag na headlights at sirang bumper ng naturang sasakyan.
Paliwanag naman ng driver na si Jinlong Lin na isang Chinese national, mula sa malayo pa lamang ay nakita na niya ang biktima. Ngunit tumatakbo umano ito kaya siya nahirapang iwasan ito, dahilan para mabangga si Benales.
Agad na isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.