Pacquiao, kinumpirmang may inisyal nang pag-uusap para makalaban si McGregor
Kinumpirma na ng boxing champ at Sen. Manny Pacquiao na nakausap niya na ang kampo ng Mixed Martial Arts star na si Conor McGregor upang makalaban ito sa Abril.
Gayunpaman, wala pa anyang nagiging ‘follow-up’ sa naging inisyal na negosasyon
Maugong ang balitang lalaban si Pacquiao sa Abril sa kanyang pagpapahinga sa mga trabaho bilang isang mambabatas.
Iginiit naman ng senador na isa pa lang din si McGregor sa mga pinagpipilian na kanyang makakalaban matapos ang kanyang pagkatalo sa Australyanong si Jeff Horn noong Hulyo.
Si Mcregor at Pacquiao ay kapwa natalo laban sa nananatiling ‘undefeated’ o walang talo na si Floyd Mayweather.
Sinabi naman ng senador na ang susunod niyang laban ay maaaring ganapin sa Macau, Dubai o Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.