Mga paaralan sa Marawi City isa-isang susuriin sa gagawing Brigada Eskwela

By Rohanisa Abbas December 09, 2017 - 08:48 PM

Inquirer photo

Aarangkada ang unang bahagi ng Brigada Eskwela sa Marawi (BESM) sa December 13, Miyerkules.

Ito ang programa ng Department of Education (DepEd) para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Bago pa ang opisyal na pagsisimula ng BESM, nagtalaga ng engineers ang kagawaran para suriin ang mga naging pinsala sa mga paaralan sa lungsod.

Partikular na binisita ng DepEd ang 39 paaralan sa 49 na Barangay sa labas ng main battle area.

Inalam ng mga tauhan ng kagawaran ang mga kinakailangang pagsasayos sa mga gusali at silid-aralan.

Ayon sa DepEd, sisimulan na ang BESM sa 14 sa 39 na paaralan na kanilang sinuri.

Batay sa datos ng kagawaran, nasa 22,714 estudyante at 1,411 guro ang naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City.

TAGS: Brigada Eskwela, deped, marawi, Brigada Eskwela, deped, marawi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.