Peace talks ginamit lang ng NPA para makapag-recruit pa ng mga bagong miyembro
Sinamantala umano ng New People’s Army (NPA) ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na peace talks para makapag-recruit ng mga bagong miyembro.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Major General Restituto Padilla, na naging bentahe sa rebeldeng grupo ang peace negotiations dahil walang masyadong opensiba na ginawa ang militar laban sa kanila.
Lumuwag din aniya ang AFP sa pagmonitor ng mga galaw ng rebeldeng grupo.
Kasabay nito, umapela si Padilla sa publiko na maging alerto dahil mas magiging marahas pa ngayon ang rebeldeng grupo lalo’t ipinroklama na sila ni Pangulong Duterte na isang teroristang organisasyon.
Ayon kay Padilla, tumaas ng 2,000 percent ang halaga ng mga ari-ariang sinunog ng NPA ngayong taon kumpara noong 2016.
Nasa P100 milyon lamang aniya ang sinira ng NPA noong 2016 habang ngayong 2017 ay umabot na sa P2.4 billion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.