Mas maraming Pinoy, nakaranas ng pagkagutom sa nakalipas na 3 buwan – SWS
Tumaas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng ‘involuntary hunger’ o pagkagutom sa third quarter ng taon ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Ayon sa SWS, lumobo sa 11.8 percent o tinatayang nasa 2.7 milyong pamilya ang nakaranas ng kahit isang beses na pagkagutom sa nakalipas na tatlong buwan.
Mas mataas ito ng 2.3 puntos na naitala noong June 2017 na nasa 9.5 percent lamang o tinatayang 2.2 milyong pamilyang Pilipino.
Sa kabuuang bilang na ito, 2.2 milyong pamilya o 9.6 percent ang nakaranas ng ‘moderate hunger’ o katamtamang pagkagutom habang 2.1 percent naman o nasa 493,000 pamilya ang nakaranas ng lubhang pagkagutom o ‘severe hunger’.
Naitala ang pagtaas ng insidente ng pagkagutom sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao.
Ang antas ng pagkagutom sa rehiyon ay bumaba sa 9.7 percent mula sa 11.3 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.