NBI, tutulong na rin uli sa PDEA sa war on drugs

By Kabie Aenlle December 07, 2017 - 03:51 AM

 

Tutulong na muli ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga anti-illega drugs operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, naglabas na siya ng department order upang atasan ang NBI na ipagpatuloy na ang kanilang mga anti-illegal drug operations.

Ginawa ito ng kalihim isang araw matapos ibalik naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) at iba pang mga law enforcement agencies sa kampanya kontra iligal na droga.

Dahil dito, magiging katuwang na rin ng PDEA ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Customs at maging ang Philippine Postal Corporation.

Matatandaang dalawang buwan na ang nakalipas mula nang solo niyang italaga ang PDEA sa war on drugs ng pamahalaan.

Malugod namang tinanggap ng PDEA ang bagong desisyon ng pangulo dahil aminado silang kulang ang kanilang tauhan, pondo at mga kagamitan para mag-solo sa laban kontra iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.