Duterte nagbilin sa mga bagong opisyal ng gobyerno na iwasan ang katiwalian

By Chona Yu, Den Macaranas December 06, 2017 - 04:17 PM

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga bagong appointee sa kanyang administrasyon na iwasan ang anumang uri ng katiwalian.

“Isa lang ang pakiusap ko sa inyo…iwasan ang corruption and not under my watch”, ayon sa pangulo.

Sinabi pa ni Duterte na kung gusto ninuman ang magpayaman ay iwasan nila na pumasok sa gobyerno dahil ito ay isang uri ng public service.

Kabilang sa mga nanumpa sa bagong pwesto sa Duterte administration sina DFA Usec. Ernesto Abella na dating tagapagsalita ng pangulo at dating Gabriela Partylist Rep. Luz Ilagan na itinalaga bilang Social Welfare Undersecretary.

Nanumpa rin sa kanyang bagong pwesto bilang board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jueteng whistleblower na si Sandra Cam.

Itinalaga naman bilang bagong Energy Regulatory Commission Chairman si dating Justice Sec. Agnes Devanadera.

Kasama rin sa mga nanumpa ang ilang mga bagong opisyal sa ilang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

TAGS: abella, appointee, Cam, duterte, Malacañang, abella, appointee, Cam, duterte, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.