Panelo: Dahil kakapusin sa pera, CPP-NPA lalong magagalit sa gobyerno

By Chona Yu December 06, 2017 - 03:23 PM

Inquirer photo

Tiyak na maapektuhan na ang pinansyal na ayudang natatanggap Communist Party of the Philippines at New People’s Army mula sa mga organisasyon sa iba’t ibang bansa.

Paliwanag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, malaki ang magiging epekto sa cash flow ng mga komunista ang pagkakadeklara sa kanila ng pangulo bilang teroristang grupo.

Sinabi pa ni Panelo na mag-aalangan na ngayon ang foreign donors ng CPP-NPA sa pangambang madawit pa ang mga ito at maakusahang supporters ng mga terorista.

Ito rin aniya ang dahilan kung kaya galit na galit ang CPP-NPA sa naging deklarasyon ng pangulo dahil tiyak na mawawalan sila ng financial support.

Gayunman, patuloy pa ring umaasa si Panelo na mababago pa ang pananaw ng mga komunista at mapagtatanto na mas makabubutibg itigil na ang pakikibaka at bumalik na sa normal na pamumuhay.

Ayon kay Panelo, “definitely because siyempre the funding organizations abroad will take notice that they are classified as terrorist….maapektuhan talaga sila kaya sila nagagalit”.

TAGS: CPP, duterte, NPA, panelo, terorista, CPP, duterte, NPA, panelo, terorista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.