DOH, naglunsad ng hotlines para sa mga may katanungan ukol sa Dengvaxia

By Mariel Cruz December 06, 2017 - 09:26 AM

Naglunsad ang Department of Health ng dalawang service hotlines para sa mga katanungan kaugnay ng kontrobersyal na dengue vaccine na Dengvaxia.

Ayon sa DOH, maaaring tawagan ng publiko ang mga numerong 711-1001 o 711-1002 kung mayroon silang nais linawan ukol sa vaccination program.

Kahapon, nanagawan si Sen. Risa Hontiveros sa DOH na bumuo ng isang database ng mga batang naturukan na ng Dengvaxia na hindi pa nagkaka-dengue, partikular na sa mga lugar sa Luzon at Cebu.

Lumutang ang kontrobersya matapos ianunsiyo ng French firm na Sanofi Pasteur na maaaring magkaroon ng masamang epektong sa mga bata na hindi pa nagkaka-dengue ang Dengvaxia.

Nasa 700,000 na mga batang estudyante na may edad siyam na taong gulang pataas ang naturukan na ng Dengvaxia.

Sa nasabing bilang, 70,000 ang hindi pa nagkakaroon ng dengue.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.