Pinangalanan na ang papalit kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pagreretiro nito sa susunod na taon.
Ito ay sa katauhan ni Deputy Director General Ramon Apolinario.
Inanunsyo ito ni Supt. Ercy Nanette Tomas, legal officer ng PNP Center for Police Strategic Management sa 3rd PNP National Advisory Council Summit sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Hindi lang isang beses na binanggit sa pagtitipon na si Apolinario na nga ang papalit kay Dela Rosa na aabot na sa mandatory retirement age na 56 sa January 21, 2018.
Sa katunayan ay anim na beses umano itong binanggit ng iba’t ibang mga opisyal ng PNP sa tuwing binibigyang pugay si Apolinario sa naturang summit.
Maging sina Chief Superintendent Noel Baraceros na siyang direktor ng PNP CPSM at Colonel Adriano Perez Jr., hepe ng Office of Strategic Studies and Strategy Management ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tinawag si Apolinario bilang ‘incoming PNP chief.’
Si Apolinario ay isa sa tatlong pinagpilian ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging unang pinuno ng PNP sa kanyang panunungkulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.