Bayaw ni Ex-PNoy iimbestigahan ng Senado dahil sa right-of-way scam

By Ruel Perez December 05, 2017 - 08:08 PM

Ipapatawag ni Senator Manny Pacquiao sa imbestigasyon ng Senado sa Lunes ang bayaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Eldon cruz para pagpaliwanagin sa umano’y anomalya sa road right of way na
nagkakahalaga ng P8.7 Billion.

Sa ihinaing Senate Resolution No. 561 ni Pacquiao, nais nitong paimbestigahan ang diumano’y maling sistema na nauuwi sa katiwalian kaugnay sa proyekto ng DPWH sa General Santos City.

Bukod sa bayaw ng dating Pangulong Aquino, ipapatawag din sina dating Public Works Secretary Rogelio Singson at dating Budget Secretary Butch Abad.

Nauna nang idinawit ang tatlo ng testigo na si Roberto Catapang Jr. na iprinisinta ng DOJ na umano’y saksi sa mga anomalya sa road right of way.

Sa alegasyon ni Catapang, ang pangalan umano ni Cruz ang madalas na binabangit ng mga sindikato na kumukulekta ng kompensasyon sa road right of way na para sana sa mga tunay na apektado ng konstruksyon ng national highway sa General Santos City.

TAGS: eldon cruz, Pacquiao, PNoy, right of way, eldon cruz, Pacquiao, PNoy, right of way

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.