Manila Water, nag-abiso ng 7- oras na mahinang ng suplay ng tubig
Simula bukas, Lunes, September 21, makakaranas na ng pitong oras na paghina ng suplay ng tubig o reduced water pressure ang mga kliyente ng Manila Water.
Sa kanilang advisory, mararanasan ang reduced water pressure sa may 155 barangay na nasa ilalim ng kanilang concession simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Kabilang sa mga maapektuhang lugar ay ang ilang mga barangay sa Makati, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Parañaque, Quezon City, San Juan City, Taguig City, at ilang mga barangay sa mga bayan ng Angono, Antipolo, Cainta, at Taytay.
Bagama’t hindi tuluyang mawawalan ng tubig, pinapayuhan pa rin ng Manila water ang mga residenteng maapektuhan na mag-ipon ng sapat na supply ng tubig habang ipinaiiral ang reduced water allocation sa kanilang mga customer.
Paliwanag ng water concessionaire, kanilang pinaghahandaan ang epekto ng El Niño kaya’t ngayon pa lamang ay gumagawa na sila ng kaukulang hakbang upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng tubig hanggang sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.