Pangulong Duterte, nagpatawag ng joint AFP-PNP command conference
Posibleng matalakay ngayong araw sa joint AFP-PNP command conference ang usapin sa martial law sa Mindanao.
Isasagawa ang joint AFP-PNP command conference na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang mamayang hapon.
Isa sa mga maaring maging agenda ang usapin kung palalawigin pa ba o hindi na ang martial law na mapapaso na sa December 31, 2017.
Maliban sa nasabing command conference magiging abala pa ang pangulo sa ibang aktibidad ngayong maghapon.
Dadalo ang pangulo sa awarding ng 2017 Model OFW of the Year. Susundan naman ito ng meet and greet ng pangulo sa mga miyembro ng “Duterte Supporters” Pampanga chapter.
Panghuling aktibidad ni Pangulong Duterte ang 20th Cabinet Meeting na gaganapin mamayang alas 5:30 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.