FDA, iniutos na ang pagbawi sa merkado ng Dengvaxia vaccine

By Dona Dominguez-Cargullo December 05, 2017 - 08:30 AM

Iniutos na ng Food and Drug Administration (FDA) sa French pharmaceutical company na Sanofi Pasteur na i- pull sa merkado ang lahat ng Dengvaxia vaccine.

Maliban dito, inatasan din ng FDA ang Sanofi na ihinto sa lalong madaling panahon ang pagbebenta, distribution, at marketing ng Dengvaxia.

Maging ang mga isinasagawang information dissemination campaign ng Sanofi para sa nasabing produkto ay ipinatitigil na ri ng FDA.

Bago ang nasabing kautusan ng FDA, sa press briefing ng Sanofi noong Lunes ng tanghali sinabi nitong bagaman itinigil na nila ang pagbebenta ng produkto ay hindi pa sila nagsasagawa ng recall.
had been no product recall.

“In order to protect the general public, the [FDA] immediately directed Sanofi to… cause the withdrawal of Dengvaxia in the market pending compliance with the directives of the FDA,” ayon sa utos ng FDA.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia Vaccine, department of health, Food and Drugs Administration, Sanofi Pasteur, Dengvaxia Vaccine, department of health, Food and Drugs Administration, Sanofi Pasteur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.