Ballot recount, sa Pebrero na magsisimula ayon sa kampo ni Robredo

By Kabie Aenlle December 05, 2017 - 03:40 AM

 

Inaasahang sa ikalawang linggo na ng Pebrero magsisimula ang hinihiling ni dating Sen. Bongbong Marcos na ballot recount.

Ito ay base sa tantya ni Atty. Romulo Macalintal na abogado ni Vice President Leni Robredo, alinsunod na rin sa desisyon ng Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ayon kasi sa PET, sisimulan ang pagkolekta sa mga balota sa Camarines Sur sa January 22, 2018, kaya inaasahang sa ikalawang linggo pa ng Pebrero mauumpisahan ang pagre-recount nito.

Wala naman kasi aniyang sapat na espasyo ang PET para pag-imbakan ng mga ballot boxes mula Iloilo at Negros Oriental.

Dahil dito, iisa-isahin na muna ito at mauuna ang mga mula sa Camarines Sur.

Matatandaang sa kaniyang electoral protest, pinili ni Marcos ng tatlong pilot provinces ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Ayon kasi sa dating senador, ang mga lalawigang ito ang makapagpapatunay sa kaniyang alegasyon ng pandaraya sa naganap na vice presidential race noong nakaraang taon.

Samantala, ipinaliwanag ni Macalintal na ang pagkolekta sa mga balota sa Camarines Sur na nagkakahalaga na agad ng P9.6 million ay sisingilin sa idinepositong halaga ni Marcos.

Sakop ng nasabing halaga ang bayad at allowances sa mga tauhan at security, pati na ang bayad sa pagbiyahe sa mga ito at maging sa mga contingencies.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.