Inilunsad ng Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) ang ‘Oplan Iwas Paputok’ para matiyak ang zero casualty sa pagsalubong sa bagong taon.
Sa datos ng DOH, 630 ang kaso ng mga firework-related injuries noong kapaskuhan ng nakaraang taon. Ito ay 32% na mas mababa noong 2015.
At sa pagbubukas ng 2018 ay umaasa ang mga kagawaran na tuluyan na itong mababawasan.
Kaakibat ng inilunsad na programa ng iba’t ibang kagawaran ang pagsusulong ng pagbabawal ng paggamit ng malalakas at maiingay na mga paputok, maging ang pagpapaalala tungkol sa Executive Order 28 o ang pagtatakda ng mga lugar kung saan lamang pwedeng magpaputok at magpailaw.
Paalala ng PNP, bawal gumamit ng Super Lolo, Whistlebomb, Goobye Earth, Atomic Big Triangulo, Piccolo, Judas’ Belt, at Watusi.
Payo ng DOH, gumamit na lamang ng mga noise-makers kagaya ng torotot, kaldero, at iba pang gamit sa bahay para makaiwas sa anumang firework-related injury.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.