Bagong Security Law ng Japan, isang banta sa regional peace ayon sa China
Inilalagay sa alanganin ng Japan ang regional pace and stability sa Asya Pasipiko dahil sa pagpasa nito ng batas na nagpapahintulot sa Japanese military na sumabak sa laban sa ibayong dagat.
Ito ang tugon ng China sa hakbang ng Japan isulong ang mga batas na nagpapahintulot sa kanilang puwersa na makilahok sa sigalot sa ibayong dagat upang tumulong sa kanilang mga kaalyadong bansa na napapasabak sa kaguluhan.
Ayon sa Defense Ministry ng China, dahil sa hakbang na ito ng Japan, nalagay sa alanganin ang kapakanan ng mga Hapones at maging ng mga kapitbahay na bansa at international society.
Sa report naman ng Xinhua News Agency na pinatatakbo ng gobyerno ng China, tinraydor ng Japan ang kanilang mga mamamayan dahil hindi nito sinunod ang naunang pangako na mananatiling isang mapayapang bansa matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.
Una rito, inaprubahan na ng ruling coalition ng Japan sa pangunguna ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga bagong ‘security bills’.
Iginiit ni Abe na mahalagang isulong ang mga naturang batas dahil sa patuloy na ginagawang mga hakbang ng China at ang tensyon ngayon sa pagitan ng North at South Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.