Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Dona Dominguez-Cargullo December 04, 2017 - 11:43 AM

Radyo Inquirer file photo

Nag-anunsyo na ng halaga ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Pilipinas Shell, epektibo bukas, alas 6:00 ng umaga, magpapatupad sila ng bawas na 30 centavos sa bawat litro ng kerosene at diesel.

Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.

Inaasahan namang ngayong maghapon ay maglalabas din ng abiso ang iba pang kumpanya ng langis sa ipatutupad na parehong halaga ng rollback.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang presyo ng diesel sa ngayon ay naglalaro sa pagitan ng P31.20 hanggang P36.30 per liter habang nasa P42.55 hanggang P52.41 na ang presyo ng gasolina.

TAGS: oil price, Radyo Inquirer, rollback, oil price, Radyo Inquirer, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.