2 patay, 7 iba pa sugatan, sa engkwentro ng militar at BIFF members sa Maguindanao
Patay ang dalawang sibilyan at pito ang nasugatan na kinabibilangan ng mga bata sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Shariff Aguak, Maguidanao.
Nangyari ang engkwentro Linggo ng gabi sa pagitan ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army at BIFF.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Unti Kamama, 60 anyos at Mohammad Kamama, 13 anyos.
Habang ang mga nasugatan naman ay sina Aila Amor, 25 anyos; Tukay Kamama, 26 anyos at mga bata na edad 2, 3, 4 at 6 na pawang residente ng Sitio Bacong sa Brgy Tinambangan.
Kasama ding nasugatan si Reserve Army Private Clinton Vigor.
Ayon kay Sixth Civil Military Operations chief Col. Gerry Besana, inatake ng BIFF ang detachment ng Philippine Army sa Sitio Bacong.
Kinumpirma naman ni MIFF-Bongos faction spokesperson Abu Misry Mama, na sila ang nasa likod ng pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.