Gusali ng La Salle, nagkulay-asul matapos manalo ang Ateneo sa UAAP 80
Ilang oras matapos ang laban na naganap sa pagitan ng Ateneo Blue Eagles at De La Salle Green Archers ay nagbago ang kulay ng building ng DLSU.
Ito ay matapos ilawan ng kulay asul ang buong building bilang suporta sa pagkapanalo ng Ateneo.
Agad na pinag-usapan sa social media ang mga larawan nito at marami ang napahanga sa ipinakitang ‘sportsmanship’ ng unibersidad.
Nagpahatid naman ng ‘appreciation’ dito si Ateneo President Fr. Jett Villarin sa naging aksyon ng De La Salle.
Kilala ang dalawang pamantasan na pinakamalaking magkaribal sa iba’t ibang aspeto mula pa lamang ng maging miyembro sila ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Nasungkit ng Ateneo Blue Eagles ang kampeyonato sa edisyon ng UAAP men’s basketball ngayong taon sa iskor na 88-86 kontra De La Salle.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.