SALN ni Sereno, hinihingi na ng Kamara sa Ombudsman

By Kabie Aenlle December 04, 2017 - 03:26 AM

 

Nagpalabas ng summons ang Kamara para sa Office of the Ombudsman kaugnay ng impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ipinag-utos na ito ni House committee on justice chairman Rep. Reynaldo Umali sa kanilang secretariat upang makapag-produce ang nasabing opisina ng mga nawawalang statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Sereno.

Matatandaang sinabi ni University of the Philippines – Human Resource Department Office (HRDO) Angela Escoto sa kaniyang testimonya na ang tanging kopya na nakuha mula sa 201 File ni Sereno ay ang kaniyang SALN para sa taong 2002.

Si Sereno kasi ay isang law professor sa UP bago siya naitalaga sa hudikatura noong 2010 na nasundan ng pagiging chief justice matapos ang dalawang taon.

Ayon kay Escoto, maaring idiniretso na ni Sereno ang kaniyang SALN sa Office of the Ombudsman pagkatapos ng 2002.

Gayunman, hindi maalala ni Escoto na nagkaroon ng pagkakataon na hindi nagsumite ang mga propersor sa UP-HRDO ng kanilang mga SALN sa loob ng nagdaang 10 taon.

Samantala, nakatakdang magpatuloy ang pagdinig ng Kamara sa impeachment case laban kay Sereno bukas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.