Imahe ng Birheng Maria Auxiliadora ng Marawi, tampok sa IGMP 2017

By Rhommel Balasbas December 04, 2017 - 01:20 AM

 

Kuha ni Rhommel Balasbas

Libu-libong katao ang dumalo sa Intramuros Grand Marian Procession 2017 na naganap sa Intramuros, Maynila kagabi.

Tampok sa taunang prusisyon ang mga imahe ng birheng Maria mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang halos 100 imahe ni Maria ay nagmula sa iba’t ibang mga parokya kung saan ang ilan ay nagawaran ng koronasyong kanonikal at episkopal habang ang iba naman ay pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal.

Ngunit isa sa mga pinaka-naging highlight ng pagtitipon ay ang paglahok ng imahe ng “Mary of Help of Christians” o Maria Auxiliadora delos Cristianos de Marawi.

Sinalubong ng hiyawan at palakpakan ang birhen habang iwinawagayway ang mga flaglets ng Pilipinas na simbolo ng kalayaan ng lungsod.

Ang imaheng iprinusisyon sa Intramuros ay ipapalit sa larawang winasak ng Maute Terror Group sa kanilang halos limang buwang panghahasik ng gulo sa Marawi.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.