6 na bihag, pinalaya ng Abu Sayyaf sa Sulu

By Jay Dones December 04, 2017 - 12:30 AM

 

Kinumpirma ng militar ang paglaya ng anim na bihag ng Abu Sayyaf noong Byernes sa bayan ng Patikul, Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, pinuno ng joint Task Force Sulu, natagpuan ang mga hostage sa Sitio Buhaw-buhawan, sa Barangay Latih ng mga residente dakong alas 2:00 ng hapon.

Kinilala ang mga napalayang bihag na sina Marissa Trinidad, 54-anyos; Jessie Trinidad, 53-anyos; Lucy Hapole, 21; Jimmy Trinidad, 21-anyos; Marciano Hapole, 14; Nelson Hapole, 7, na pawang mga residente ng sitio Kalimayahan, Barangay Latih sa Patikul.

Ang mga ito ang sapilitang dinukot ng Abu Sayyaf mula sa kanilang mismong tahanan noong Nobyembre 14.

Tumanggi naman ang mga otoridad na kumpirmahin kung nagkaroon ng ransom payment para sa pagpapalaya sa mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.