‘Know Your Rights App’ ilulunsad ng PNP

By Jay Dones December 04, 2017 - 01:33 AM

 

Kasabay ng anibersaryo ng International Human Rights Consciousness Week ilalabas ng Philippine National Police ang kanilang tinaguriang ‘human rights mobile app.’

Sa naturang ‘App’ maaring malaman ng publiko ang kanilang karapatan sa pamamagitan lamang ng kanilang cellphone.

Tatawaging ‘Know Your Rights App,’ maaring i-download ng libre ang naturang mobile application at mabuksan ng sinuman kahit walang internet connection.

Ayon kay PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) head, Chief Supt. Dennis Siervo, magiging laman ng ‘app’ ang ilang mga anti-torture information at ang Miranda Rights.

Makikita rin aniya dito ang mga pangunahing karapatan ng isang sibilyan at ang alituntunin sa police operations procedures.

Ayon sa PNP, ito ay bahagi ng kanilang hangaring patuloy na bigyang pahalaga ang karapatang pantao ng mga sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.