Singapore, nais magkaroon ng mapayapang resolution ang territorial dispute sa South China Sea
Nagpahatid ng suporta ang bansang Singapore sa pagkakaroon ng mapayapang resolusyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Bagaman hindi kabilang ang Singapore sa mga umaangkin ng alinmang isla, ayon kay Foreign Minister Vivian Balakrishnan na karamihan sa mga member countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay mayroong trade at economic-related interests na mangangailangan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Sa pagtitipon ng 8th ASEAN Visiting Journalists Program noong nakaraang linggo, sinabi ni Balakrishnan na para ligtas na makapagkalakalan ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay kailangan ng maayos na ugnayan ang mga bansa sa rehiyon.
Dagdag pa ni Balakrishnan mahalagang mapayapang maayos ang gusot sa pagitan ng mga umaangking bansa at kasabay nito ay kailangan ring marekognisa ang international laws.
Aniya, sa kabuuan, ang nais lamang niya ang mapanatili ang ASEAN unity, ASEAN centrality at ASEAN relevance.
Ang mga bansang umaangkin sa mga pinag-aagawang teritoryo ay ang Pilipinas, Vietnam, Brunei, Malaysia, at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.