WATCH: Naitalang kaso ng HIV-AIDS sa bansa, halos 50,000 na ayon sa DOH
By Erwin Aguilon December 01, 2017 - 08:21 PM
Umakyat na sa halos 50,000 indibidwal ang mayroong Human Immuno Deficiency o HIV sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mula noong January 1984 hanggang Agosto ng kasalukuyang taon nakapagtala na sila ng 46,985 na HIV positive.
Sa pagtaya ng DOH, aakyat pa ito ng halos 142,000 pagdating ng taong 2022.
Malaking bilang anya ng mayroong HIV ay dahil sa pagtatalik ng lalaki sa kapwa lalaki o MSM at transgender women nakipagtalik sa lalaki.
Narito ang report ni Erwin Aguilon:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.