George San Mateo, kinasuhan na sa korte dahil sa ikinasang dalawang araw na transport strike

By Cyrille Cupino December 01, 2017 - 04:45 PM

Inquirer Photo

Sinampahan na ng kaso ng Quezon City Prosecutor’s Office si PISTON National President George San Mateo.

Ang naturang reklamo ay isinampa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board laban kay San Mateo.

Kasong paglabag sa Section 20 ng Commonwealth Act 146 o Public Service Law ang kakaharapin ni San Mateo.

Iniakyat ng QC Prosecutor’s Office ang reklamo sa Quezon City Metropolitan Trial Court matapos itong
makitaan ng probable cause.

Matatandaang inireklamo ng LTFRB si San Mateo matapos magsagawa ang kanyang grupo ng dalawang araw na tigil-pasada.

 

 

 

 

 

 

TAGS: george san mateo, ltfrb, PISTON, transport strike, george san mateo, ltfrb, PISTON, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.