P20 Million inilaan ng pondo para sa Marawi City Police Station

By Angellic Jordan November 30, 2017 - 07:38 PM

Naglaan ng mahigit P20 Million ang Philippine National Police (PNP) para sa konstruksyon ng Marawi City Police Station at iba pang community at public assistance centers sa lungsod.

Ito ay matapos masira ang ilang pasilidad sa lugar nang sumiklab ang giyera sa pagitan ng gobyerno at ISIS-inspired Maute group.

Tinatayang P14.552 Million ang kabuuang pondo para sa Marawi City Police Station habang P1.205 Million naman sa mga bakod at guard house nito.

Samantala, P1.362 Million naman sa kada itatayong community at public assistance centers at P1.519 Million sa ground development ng istasyon.

Magsasagawa ang PNP Engineering Service Bids and Awards Committee ng pre-bid conference sa December 5 habang opening of bids naman sa December 19.

TAGS: marawi, Maute, PNP, marawi, Maute, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.