Revolutionary government malabo pa ayon kay Duterte
Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya aabot sa punto na mapipilitang ideklara ang revolutionary government.
Ayon sa pangulo, noon pa man ay malinaw na ang kanyang mensahe na saka lamang niya idedeklara ang revolutionary government kapag tumaob na ang bayan.
Pero sa ngayon, maayos pa naman ang lagay ng bansa kung kaya wala pabg sapat na dahilan para ideklara ang isang revolutionary government.
Iginiit pa ng pangulo na isa siyang abogado at sumusunod sa itinatakda ng Saligang Batas.
Kanina ay ilang mga grupo na nagsusulong ng revolutionary government ang nagpakita ng kanilang pwersa sa Mendiola para hikayatin ang pangulo na suportahan ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.