P1 Billion na dagdag pondo hirit ng DOLE sa Kongreso

By Erwin Aguilon November 30, 2017 - 03:22 PM

Radyo Inquirer

Humingi ng karagdagang budget sa bicameral conference committee si Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ayon kay Bello, kailangan nila ng dagdag na P1.1 Billion na pondo para sa Department of Labor and Employment.

Gagamitin ayon kay Bello ang nasabing halaga para sa posibleng repatriation at reintegration para sa mga OFW na nasa Qatar, Lebanon at Saudi Arabia.

Sa nasabing halaga, aabot sa P850 Million ang gagamitin para sa repatriation ng daan-daang OFWs sa mga nasabing bansa sakaling lumala ang sitwasyon doon.

Samantala, umaabot naman sa P300 Million ang gagastusin sa reintegration ng mga OFW oras na makauwi ng bansa upang mabigyan sila ng trabaho.

TAGS: Bello, Bicam, DOLE, ofw, pondo, Bello, Bicam, DOLE, ofw, pondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.