UPDATE: 6 na ang patay, kabilang ang 5 bata sa sunog sa Quiapo
(UPDATE:) 6 na ang kumpirmadong patay kabilang ang limang bata makaraang sumiklab ang sunog sa residential area sa Arlegui St., Quiapo Maynila.
Ayon kay Senior Inspector Reden Alumno ng Bureau of Fire Protection- San Lazaro, natagpuan ang mga bangkay sa loob ng isang bahay ng isang Ashliya Dacu kung saan sinasabing nagsimula ang apoy.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jamaica Dacu, 2, Jamila Dacu, 8, Jamaila Dacu 9, pawang mga pamangkin ni Ashliya at Baby Love Sampaco, 10 Gerald Sampaco 9 na taong gulang.
Nadamay din sa sunog ang isa pamangkin ni Dacu na isang nagngangalang Michael na naipit sa gusali makaraang subukang sagipin ang mga bata.
Tinatayang nasa 50 pamilya ang naapektuhan sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Ganap na naapula ang sunog dakong alas 11:30 ng gabi
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kabuuang halaga ng natupok.
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 29, 2017
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.