Giyera kontra korapsyon, inihihirit ng VACC kay Pang. Duterte

By Rhommel Balasbas November 30, 2017 - 12:18 AM

 

File Photo

Hinihimok ng Volunteers Against Crime and Corruption si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara rin ng giyera kontra korapsyon.

Kasabay ng giyera kontra droga ay iginiit ng grupo na kailangan ng bansa na masugpo ang isyu ng korapsyon.

Sa anti-corruption summit na inorganisa ng grupo ay sinabi ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez, na hindi na kailangan pa ng pamahalaan na taasan pa ang mga buwis kung mababawasan lamang ang korapsyon.

Ayon kay Jimenez, nasa 20 porsyento ng national budget kada taon ang nawawala dahil sa korapsyon.

Naniniwala anya siya na matutugunan ang problema sa isyung ito sakaling magdeklara ang pangulo ng giyera laban dito.

Anya, maaaring magsimula ang pangulo sa pag-usisa sa 3.767 trilyong pisong budget sa 2018.

Ayon kay Jimenez, dapat ay mailatag ng pamahalaan ang mga karampatang mekanismo upang hindi mahikayat ang mga opisyal ng gobyerno na magnakaw sa kaban ng bayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.