‘Oplan Double Barrel’ fund, inilaan ng Senado sa pabahay ng mga pulis at sundalo

By Kabie Aenlle November 30, 2017 - 03:02 AM

 

Inilaan na ng Senado sa pabahay ng mga pulis at sundalo ang P900 milyong bahagi ng panukalang 2018 national budget para sana sa anti-drug campaign ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Sen. Loren Legarda na chairman ng Senate committe on finance, bukod sa pabahay sa mga pulis at sundalo, inilaan na rin lang ang pondong ito para sa mga body cameras na hinihiling ng mga pulis.

Gayunman, tiniyak ni Legarda sa PNP na mayroon pa rin naman silang sapat na pondo para labanan ang problema sa iligal na droga sakali mang ibalik sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa frontline ng war on drugs.

Samantala, sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel sa isang hiwalay na panayam na ibabalik pa rin ang pondo para sa Oplan Double Barrel dahil batid naman nila ang sinabi ng pangulo na ibabalik ang drug war sa PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.