NBI, walang nakitang depekto sa kumalas na bagon ng MRT

By Kabie Aenlle November 30, 2017 - 02:08 AM

 

Walang nakitang mechanical o electrical defects ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit sa mga coupling devices na sangkot sa kumalas na bagon ng MRT-3 dalawang linggo na ang nakalipas.

Ayon sa kanilang pinuno na si Joel Tovera, ininspeksyon ng kaniyang grupo ang mga bagon para sa mechanical at electrical examination sa tulong ng mga eksperto, forensics at mga techincians ng MRT.

Sinabi ni Tovera na base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, wala silang nakikitang depekto sa nasabing coupler.

Binaklas pa mismo ng mga engineer at technicians ng MRT ang coupler sa harapan ng mga tauhan ng NBI at mga miyembro ng media para sa mas masinsinang inspeksyon.

Gayunman, nilinaw ni Tovera na ito ay resulta pa lamang ng inisyal na imbestigasyon.

Ikokonekta pa aniya nila ang kanilang mga napag-alaman ngayon, sa mga sinabi ng mga persons of interest na kanilang iniimbestigahan nitong mga nagdaang linggo.

Matatandaang pananabotahe ang isa sa mga tinitingnang dahilan sa pagkalas ng isang bagon ng MRT-3 sa kalagitnaan ng Buendia at Ayala Avenue stations noong November 16.

Ito rin ang dahilan kung bakit pinaimbestigahan sa NBI ang nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.