Bonifacio day protest, kasado na

By Jan Escosio November 30, 2017 - 01:02 AM

 

Unang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtatayo siya ng revolutionary government kapag may sumubok na pabagsakin ang gobyerno, ngunit binawi niya rin ito matapos pumalag ang ilang miyembro mismo ng kanyang gabinete, mga kaalyadong mambabatas at ibat ibang sektor ng lipunan.

Sa paggunita ng ika-154 kaarawan ni Andres Bonifacio, inanunsiyo ng iba’t ibang militanteng grupo na maglulunsad sila muli ng malawakang protesta para singilin ang mga napapakong pangako ng Pangulo at ang kanyang mga hakbang na lumalabag sa mga karapatang – pantao.

Sinabi ng mga militante na ang kanilang pagkilos ay tugon sa mga gagawing pagkilos para isulong ang isang revolutionary government at anila hindi na sila naniniwala sa mga pagtanggi o paglilinaw ng Punong Ehekutibo.

Ayon sa militanteng grupo, mismong si Pangulong Duterte ang nagsisilbing banta hindi lang sa demokrasya kundi sa mismong kanyang posisyon.

Sinabi ng mga militanteng grupo na hindi bababa sa 5,000 ang bilang sa kanilang hanay na magma-martsa para sa demokrasya mula sa Welcome Rotunda hanggang sa Mendiola.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.