PNP nanindigan na sangkot sa kidnapping ang 3 tauhan ng NBI

By Rohanissa Abbas November 29, 2017 - 07:48 PM

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi gawa-gawa ang alegasyong sangkot umano ang tatlong ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa kidnapping ng isang Korean businessman noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ang alegasyong ito ay batay sa kanilang imbestigasyon at ipinahayag ng biktima at ng suspek.

Giit ng hepe ng PNP, wala siyang nais na pagtakpan sa insidente.

Samantala, nanawagan din si Senior Supt. Glenn Dumlao, hepe ng PNP Anti-kidnapping Group (PNP-AKG) sa NBI na sa halip na kasuhan ng NBI ang pulisya ay makipatulungan na lamang ang ahensya.

Kahapon, nagbabala si NBI Director Dante Gierran na kakasuhan ang PNP kaugnay ng “unverified” information na makakasira sa kredibilidad ng ahensya.

Noong Lunes, ipinahayag ni Dela Rosa sa mga mamamahayag na posibleng sangkot umano ang mga ahente ng NBI sa pagdukot kay Lee Jung Dae sa Pampanga at nailigtas sa Maynila noong Sabado.

TAGS: dela rosa, guierran, korean, nbi kidnapping, PNP, dela rosa, guierran, korean, nbi kidnapping, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.