Limitadong kapangyarihan ng mga opisyal ng gobyerno isasama sa Cha-Cha
Pinaiiksihan ang termino at pinalilimitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapangyarihan ng mga opisyal ng gobyerno.
Ito ay kung maisusulong na ang charter change o maamyendahan ang Saligang Batas.
Ayon sa pangulo, hindi dapat na mangamba ang sinuman dahil wala siyang balak na palawigin pa ang kanyang termino kapag naisulong na ang charter change.
Hindi rin dapat na mangamba lalo na ang oposisyon dahil hindi siya magiging diktador.
Katunayan, nakahanda nang bumaba sa puwesto ang pangulo sakaling makabuo ang kongreso ng panibagong konstitusyon na katanggap-tanggap para sa lahat.
“I am addressing myself to Congress. Let us amend the Constitution. Shorten or restrict the powers of everybody, including the presidency but make a Constitution that would mandate more accountability and responsibility of officials”, ayon pa kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.