Consumers group dudulog sa Korte Suprema kaugnay sa bagong tax system

By Ruel Perez November 29, 2017 - 03:55 PM

Plano ng samahan ng mga consumer na dumulog sa Korte Suprema sakaling lagdaan ng pangulo at maisabatas ang panukalang Tax Reform for
Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Sa pagdalo sa committee hearing sa Senado, sinabi ni Laban Konsyumer President Mario Dimagiba, may mga probisyon silang nakita sa TRAIN sa bersyon ng Senado na wala sa inaprubahang bersyon ng Kamara na labag umano sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Dimagiba, anuman aniyang batas sa pagbubuwis ay dapat mangagaling sa Kamara.

Tinukoy nito ang probisyon na magpapahintulot para itaas ang coal taxes na magiging daan para tumaas rin ang singil sa kuryente.

Babala ni Dimagiba, hindi lang presyo ng kuryente ang tataas dahil may epekto ito sa presyo ng mga pangunahing bilihin maging ang presyo ng semento.

Paliwanag ni Dimagiba, uling rin ang ginagamit ng mga pabrika ng semento.

TAGS: Dimagiba, Senate, tax, Train, Dimagiba, Senate, tax, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.