Sumitomo, balik na bilang maintenance provider ng MRT
Muling kukunin ng Department of Transportation ang serbisyo ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy bilang maintenance provider ng Metro Rail Transit- Line 3.
Ayon sa statement ng DOTr, nagpapatuloy ang high-level discussions sa gobyerno ng Japan upang bigyang-daan ang pagpasok ng Sumitomo Corporation at technical partner nito na Mitsubishi Heavy Industries para mag-maintain sa MRT.
Ang kasunduan ay magaganap sa pagitan ng gobyerno ng Japan at Pilipinas, at inaasahang mapipirmahan bago matapos ang taon.
Kabilang sa kontrata ay ang rehabilitasyon at restoration ng sistema sa orihinal nitong performance standards ng MRT at inaasahang tatagal ito ng hanggang 3 taon.
Ang Sumitomo at Mitsubishi Heavy ang nag-design, bumuo at nag-maintain ng MRT-3 sa unang 12 taon ng operasyon nito.
Una na rito ay tinerminate na ng DOTr ang kanilang kontrata sa Busan Universal Rail Inc. o BURI bilang pagpapakita umano ng accountability kasunod ng walang-tigil na pagpalya ng MRT line 3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.