Voters’ registration, walang extension ayon sa COMELEC

By Justinne Punsalang November 29, 2017 - 03:18 AM

Hanggang Huwebes, November 30 na lamang pwedeng magparehistro ang mga gustong bumoto para sa May 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), wala silang planong palawigin pa ang voter registration period.

Ayon sa tagapagsalita ng COMELEC na si James Jimenez, matagal na panahon nang nakabukas ang voter registration kaya wala silang napag-uusapang pagpapalawig nito.

Ani Jimenez, binuksan ng COMELEC ang registration noong July 15 hangang 30, 2016 at November 7, 2016 hanggang April 29, 2017 bago ito muling binuksan simula November 6 ngayong taon kaya naman sapat ang panahon para magparehistro ang mga botante.

Hinimok ni Jimenez ang mga hindi pa nakakapagparehistro na magtungo na sa mga lokal na opisina ng COMELEC at samantalahin ang nalalabing dalawang araw para sa registration.

Samantala, nasa 500,000 botante na ang nakapagparehistro simula nang binuksan ng COMELEC ang kanilang opisina ngayong buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.