Bangladesh, gagawing temporary shelter ang isang isla para sa Rohingya refugees

By Justinne Punsalang November 29, 2017 - 03:16 AM

(AP Photo/Dar Yasin)

Inaprubahan na ng bansang Bangladesh ang $280 milyong proyekto kung saan gagawing temporary shelter para sa 100,000 na Rohingya Muslims mula Myanmar ang isang isla na matatagpuan sa Bay of Bengal.

Ayon kay Planning Minister Mustafa Kamal, matatagalan pa bago mapabalik ang mga refugee kaya naman naisipan nilang bigyan ng panandaliang matutuluyan ang mga Rohingya Muslims.

2015 pa nang unang imungkahi na isaayos ang Bhashan Char island, o mas kilala sa tawag na Thenger Char, ngunit dahil sa mga kritisismo tungkol dito ay hindi natuloy ang mga unang plano.

Pangunahing kritisismo dito ang pagiging isolated at floo-prone nito simula Hunyo hanggang Setyembre na siyang panahon ng bagyo.

Bagaman maraming kritisismo sa isla, naniniwala ang Bangladesh na tama lamang itong gamiting temporary shelter para sa dumaraming bilang ng mga refugees.

Inaasahang matatapos ang pagsasaayos ng naturang isla, sa 2019.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.