Bato: Drug lords, maaring nasa likod ng report tungkol sa pagkamatay ng 3 drug suspects

By Kabie Aenlle November 29, 2017 - 03:05 AM

Pinaghihinalaan ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa na may kinalaman ang mga drug lords sa paglabas ng ulat ng Reuters tungkol sa grupo ng mga pulis na umano’y pumatay sa tatlong drug suspects sa Tondo, Maynila.

Sa pahayag ni Dela Rosa, iginiit niya na ang masasabi lang niya sa Reuters ay kung nais nilang siraan ang PNP ay kayang kaya nila itong gawin.

Kaya aniya ng mga ito na maglabas ng “very objective presentation” at kung nais naman nila na magpresenta na pabor sa PNP, ay magagawa rin nila kung gugustuhin nila dahil may choice naman ang mga ito.

Bagaman aminadong hindi pa niya nakikita ang report ng Reuters, nagpahayag ng pagdududa ang hepe ng PNP sa timing ng paglabas ng mga ganitong mapanirang ulat laban sa kanila lalo na’t maaring maibalik sa kanila ang war on drugs.

Nangangahulugan aniya ito na ayaw talaga ng kanilang mga kalaban na muli silang manguna sa kampanya kontra droga.

Kinwestyon naman ni Dela Rosa kung ano ang kinatatakutan ng mga ito, sabay sabi na hindi naman siguro sila mga drug addicts.

Hindi na aniya siya nagtataka kung magre-react ang mga ito dahil alam niyang nasaktan nila ang bilyong pisong industriya ng mga ito sa kanilang mga nagawa.

Dahil dito, naniniwala siyang gagamitin ng mga drug lords ang lahat ng kanilang kapangyarihan para hindi basta mabuwag ang pinaghirapan nilang katayuan sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng mga nagdaang taon.

Dagdag pa ni Dela Rosa, inasahan na niyang reresbak ang mga drug lords sa kahit anong paraan na kanilang kakayanin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.